Inihayag ni Ella Cristofani ang Kapuso actor na matagal na niyang crush kaya gusto niya itong makatrabaho.

Sa "In the Limelight" ng GMA Artist Center, sinabi ni Ella na kung mga babaeng Kapuso artists ang pag-uusapan, gusto niyang makasama sa proyekto si Rhian Ramos.

"If ever may makaka-work ako in the future, sa babae gustong-gusto ko makatrabaho si Rhian Ramos. Sobrang naging idol ko siya sa 'The Rich Man's Daughter' and super pretty niya, isa siya sa mga Kapuso stars that I look up to," saad ng Starstruck 7 Avenger.

Pero kung lalaking Kapuso actor, ito ay walang iba kung hindi si Miguel Tanfelix.

"Sa guys naman, siyempre si Miguel Tanfelix po talaga. Bata pa lang ako, sobrang naging crush ko siya especially sa early teens ko and... Baka naman po," pabirong sabi ni Ella.

"Baka lang po puwede ko siyang makatambalan in the future," pabirong pakiusap ni Ella.

Hindi man itinanghal na Ultimate Female Survivor ng Starstruck Season 7, napanood naman si Ella sa "My Fantastic Pag-ibig."--FRJ, GMA News