Muling nakasama ni Nico Bolzico ang kaniyang mag-inang sina Solenn Heussaff at Baby Thylane pagkagaling niya sa kaniyang home country na Argentina.

Sa Instagram ni Nico, makikitang ayaw pa siyang lapitan ni Thylane noong una dahil tila natakot ito o hindi siya mamukhaan.

 

 

Pero maya-maya pa, bigla nang tumakbo si Thylane para salubungin at yakapin ang kaniyang daddy.

Isa namang mainit na yakap at halik ang ibinigay niya sa kaniyang baby.

Nagtungo si Nico sa Argentina upang bisitahin ang kaniyang mga magulang matapos na hindi niya makita nang matagal na panahon.

Nang bisitahin ang kaniyang mga magulang, napagtanto ni Nico ang pagbabago ng kaniyang pananaw sa buhay matapos na maging isang ama na rin.--FRJ, GMA News