Si Ruru Madrid ang bagong co-host ng "Game of the Gens" matapos magdesisyon si Andre Paras na tuparin na ang kaniyang pangarap na makapaglaro ng professional basketball.

Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMA News "24 Oras Weekend nitong Sabado, sinabing si Ruru ang magiging bagong co-host ni Sef Cadayona sa naturang comedy game show.

"It only takes a few reviews before the show starts, doon ako nabibilib talaga kay Ruru, tsaka 'yung ooze ng confidence eh," sabi ni Sef.

Kahit sa kanilang interview pa lamang, kita na agad ang chemistry nilang dalawa pagdating sa pagpapatawa.

"Hindi na naging mahirap 'yung adjustment ko dito sa project na ito kasi nandiyan si Sef para i-guide ako," sabi naman ni Ruru.

"Ako sobrang proud ako [kay Andre], kasi ako hindi ako pasok sa qualifications ng basketball," sabi ni Sef tungkol sa desisyon ni Andre.

Mapapanood ang Game of the Gens ngayong Linggo sa GTV. – Jamil Santos/RC, GMA News