Nakapagpabakuna na para sa first dose ng kanilang COVID-19 vaccine ang Kapuso couple na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Miyerkoles, sinabing natanggap nina Gabbi at Khalil ang unang dose ng kanilang vaccine sa ilalim ng A4 category.

ADVERTISEMENT

Kabilang sa A4 category ang mga nagtatrabaho sa media at entertainment.

Sa Instagram post ng GMA Artist Center, makikita na happy ang dalawa matapos mabakunahan.

 

 

Bibida sina Gabbi at Khalil sa GTV's series na "Love You Stranger."--Jamil Santos/FRJ, GMA News