Kaniya-kaniyang hula na ang netizens kung sino ang award-winning actress na magiging Kapuso na rin.

Nitong Miyerkules, isang black and white na larawan na masisilip ang mata ng aktres ang ibinahagi sa social media pages ng GMA Network.

ADVERTISEMENT

“One of the biggest artists in Philippine showbiz will be a Kapuso,” saad sa caption.

Habang isinusulat ito, mayroon nang mahigit 14,000 comments ang post. Bukod pa sa 46,000 na reaction at mahigit 7,000 shares.

May mga netizen na nakaisip na nasa caption mismo ang clue kung sino ang naturang aktres.

Sa post naman nitong Martes, nakasaad na “award-winning actress” ang bagong Kapuso na tutukan sa GMA.

Malalaman kung sino ang aktres sa Huwebes, sa ganap na 4 p.m. sa GMA Network’s Facebook page. – FRJ, GMA News