Nalipat sa Agosto 1 ang "Back In The Zone" online concert ng SB19, para na rin sa kaligtasan ng kanilang fans.

Sa Star Bites report ni Cata Tibayan sa GTV "Balitanghali" nitong Miyerkules, sinabing unang nakatakdang gawin ang concert ng Pinoy boy group sa Hulyo 18.

Pero sa kanilang official page, sinabi nilang nalipat ang petsa dahil sa "identified health and safety concerns" sa paghahanda sa concert.

Gayunman, valid pa rin ang tickets ng mga nakabili na.

"We thank you for your support and utmost understanding," saad sa poster. —Jamil Santos/LBG, GMA News