Naghandog ng dalawang espesyal na regalo sa kanilang fans ang K-pop sensation na BTS sa ikawalong anibersaryo ng ARMY ngayong Hulyo 9.

Sa Star Bites report ni Cata Tibayan sa GTV "Balitanghali," sinabing una na rito ang seven-track na "ARMY Playlist, tampok ang solo song ng bawat BTS member.

Binubuo nito ang "Bicycle" ni RM, "Abyss" ni Jin, "Snow Flower" ni V, "Still With You" ni Jungkook, "Hope World" ni J-Hope, "People" ni Suga, at "Filter" ni Jimin.

Inilabas din ang "Butter" CD version tampok ang bagong single nilang "Permission to Dance" na co-written ni Ed Sheeran.

Nakatakdang mag-two day guesting ang Bangtan Boys sa The Tonight Show sa Hulyo 13 at 14 kung saan ipe-perform nila ang dalawang track.--Jamil Santos/FRJ, GMA News