Magiging special guest ang Grammy Award winner at international singer-songwriter na si Ed Sheeran sa "All-Out Sundays" sa darating na Agosto 15.

Sa Star Bites report ni Nelson Canlas sa GTV "Balitanghali" nitong Huwebes, makikita ang Facebook post ng All-Out Sundays ang ilan sa description ng kanilang special guest, tulad ng "Most in-demand pop star on the planet" at "One of the world's best-selling music artists."

Nakatakdang kantahin ni Ed sa AOS ang bago niyang single na "Bad Habits."

Sinabi ni Ed sa isang panayam na inspirasyon ng kaniyang awitin ang kaniyang pagiging ama.

"I got a lot of bad habits out in my life. It's the best," sabi ni Ed.

"The Filipino fans. There's no place on earth that has fans like the Philippines," mensahe naman ni Ed sa kaniyang Pinoy fans.--Jamil Santos/FRJ, GMA News