Inilahad ni Richard Yap na hindi isa, kundi limang beses siyang lumaban sa bangungot na tila gusto siyang patayin nang magpositibo siya sa COVID-19 noong nakaraang taon.

Sa "Dapat Alam Mo!" ikinuwento ni Richard na nagpositibo siya sa virus Marso ng 2020.

"Sumasakit na 'yung dibdib mo, and then parang luluwa na lahat ng lamanloob mo when you cough," anang Kapuso actor, na nahirapan noong huminga at nagkaroon pa ng pneumonia.

Nahirapan din daw si Richard na humanap ng ospital, at nakadagdag pa sa problema na bawal na may kasama siya.

"I was not thinking of myself anymore. I was thinking of what will happen to my family if I can't get out of here alive."

Sa paglaban niya sa COVID-19, sinabi ni Richard na limang beses siyang nakaranas ng bangungot.

"Mayroong parang espirito that wanted to kill me. So I would wake up literally na parang may kaaway ako, and it happened five times in that night, so I couldn't sleep," paglalahad niya.

Hanggang sa unti-unting gumaling si Richard mula sa sakit.

"You have to build up your strength. You have to regain it by eating properly and taking the right vitamins and slowly get back into it."

Nagsilbi ding lakas ni Richard ang kaniyang pamilya.

"Kahit na wala sila sa tabi ko at that time, because hindi pwede, sila lang ang who were really praying for me every night. They were praying the rosary," sabi ng Kapuso leading man ni Heart Evangelista para sa "I Left My Heart in Sorsogon."

"Let's not take life for granted while we’re here. Let's do all the good that we can, and we have to treasure the people who are with us," sabi ni Richard tungkol sa kaniyang natutunan sa kaniyang karanasan sa COVID-19. —LBG, GMA News