Humingi ng tawad si AJ Raval kay Kylie Padilla matapos niyang ibahagi sa social media ang pahayag ng manliligaw niyang si Aljur Abrenica tungkol sa hiwalayan nito sa dating asawa.

"Shinare ko lang 'yun siguro dala ng emosyon, kasi I'm hurting," sabi ni AJ sa kaniyang Tiktok, na mapapanood din sa Unang Balita nitong Biyernes.

"Kay Kylie, I'm sorry kung shinare ko 'yung statement na 'yon. It's not my intention to hurt anybody. I was just trying to protect myself... 'Yun nga lang, mali ang way ko," pagpapatuloy pa ng aktres.

@ajravsss

ADVERTISEMENT

 

? original sound - Aj Raval

Ayon pa kay AJ, apektado na ang kaniyang mental health nang dahil sa isyu, dahilan para mag-social media detox muna siya.

Sinabi niyang sa susunod na taon na ulit siya babalik sa social media.

Burado na rin lahat ng posts ni AJ sa Instagram.

Bago nito, nilinaw ni AJ na hindi siya ang third party sa hiwalayang Kylie at Aljur.

Nagbigay naman ng pahayag si Kylie na hiling niya ang kaligayahan ni Aljur, na ama ng kanilang anak na sina Alas at Axl. —LBG, GMA News