Kabilang na rin si Nadine Samonte at kaniyang pamilya sa mga tinamaan ng COVID-19.

Sa Instagram stories, ipinakita ni Nadine ang kaniyang negative antigen result. Aniya, nagpositibo sa virus ang kaniyang pamilya, pati na ang kaniyang one-month-old baby na si Harmony.

“From positive to negative na, yahoo!” saad niya sa post.

“Grabe ang nangyari sa’min. Kaming lahat nag-positive, kahit si Harmony. Buti mild symptoms lang kami and ang kids, naagapan agad. Thank you, Lord, for everything. We made it,” patuloy ng aktres.

 


 

Bago nito, nagpahiwatig si Nadine na mayroon silang pinagdadaanan na pamilya nang mag-post siya ng monochrome photos na kasama ang mister na si Richard Chua at si Harmony.

“We are still in the grey area but we are okay. Everyone's okay, even our little Harmony. Thank you Lord hindi mo kami pinabayaan lalo na mga kids. Salamat,” saad niya sa caption.

Bukod kay Harmony,  ang dalawa pang anak nina Nadine at Richard ay sina Heather at Titus.

Ilan pa sa mga celebrity family na nagpositibo sa COVID-19 ay sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, Iya Villania at Drew Arellano, Aubrey Miles at Troy Montero, at Yasmien Kurdi at Rey Soldevilla.

— FRJ, GMA News