Ikinasal na ang model-actress na si Wilma Doesnt sa kaniyang non-showbiz boyfriend na si Gerick Livelo Parin.

Naganap ang kasalan sa Tagaytay nitong Thursday, March 24, matapos ang kanilang engagement noong nakaraang taon.

Ipinost ng mga bisita sa Instagram ang mga larawan sa naganap na kasalan. Kabilang dito ang mga nasa fashion at beauty industries tulad nina Myrza Sison, Robbie Carmona, Randy Ortiz, at Jing Monis, na nag-ayos sa buhok ni Wilma.

Naging bahagi ng entourage ni Wilma sina Angelu De Leon, at model na sina Phoemela Baranda at Babba Parma.

Sa larawan na ipinost ni Wilma, sinabi niyang, "This is it!"

 

 

Sa birthday ni Wilma noong July 2021 sinorpresa ni Gerick ang nobya para alukin ng kasal.

— FRJ, GMA News