Nag-trending worldwide ang "Still Life" na comeback single ng Korean boyband na BigBang.

Sa Unang Balita nitong Miyerkoles, sinabi ng agency ng BigBang na YG Entertainment na ang single ay tungkol sa memories na ginawa nila bilang grupo.

ADVERTISEMENT

Hangad din ng kanta na magbigay ng kaginhawaan at makapukaw ng damdamin ng mga tao sa matagal na panahon.

Umabot na ng 1.35 million tweets ang #bigbang_stilllife sa Twitter Philippines at nakakuha ng milyon-milyong views ang music video sa YouTube mula nang i-release nitong Martes.

Nagpasalamat naman ang K-pop kings na sina G-Dragon, T.O.P., Daesung at Taeyang sa walang sawang suporta ng kanilang fans. —Jamil Santos/VBL, GMA News