Nakatakdang mag-guest si Matteo Guidicelli sa Kapuso cooking show na "Farm To Table" ni chef JR Royol.

Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, sinabing bibisita sina Matteo at Chef JR sa Pestano Farm sa Antipolo, Rizal.

Bukod sa aasahang food trip na may fresh at organic na mga sangkap, aasahan din ang nakakatuwa at inspiring stories na ibabahagi nilang dalawa.

Mapapanood ang food adventure nina Chef JR at Matteo sa GTV sa Linggo. —Jamil Santos/VBL, GMA News