Nagbigay ng pasulyap si Jennylyn Mercado sa first baby nila ni Dennis Trillo na si Baby D.

 

Sa Instagram, makikita na kasama ni Jen ang kaniyang asawa, pati ang sneak peek ng sanggol.

"Iba yung saya na nararamdaman namin sa pagdating ni baby 'D' pero nariyan din siyempre ang kaba at pag-aalala para sa kanya," caption ni Jen.

Hiling din ni Jen ang magandang kinabukasan para sa kanilang anak.

Abril 25 nang isilang ni Jennylyn ang kanilang anak. —Jamil Santos/VBL, GMA News