Nakatanggap ng special beauty award sa isang event ang candidate No. 8 sa Binibining Pilipinas 2022 na si Herlene “Hipon Girl” Budol.

Nitong Biyernes, masayang ibinalita ni  Herlene na siya ang nanalo bilang "Miss Black Water 2022," sa Ever Bilena Cosmetics event, na dinaluhan din ng iba pang kandidata sa Bb. Pilipinas.

“Panibagong araw hatid ay panibagong pag-asa. Maraming salamat sa iyo dakilang Ama sa blessings na tinatamasa ko ngayon,” saad ni Herlene sa caption ng Instagram post.

“Congrats din sa mga Binibini Sisterakas ko sa mga award nakuha nila. God bless u all mga Ka-Squammy at Ka-Hiponatics ko!,” patuloy niya.

 

 

Sa naturang event, suot ni Herlene ang pink off-shoulder dress at high ponytail.
.
Sa hiwalay post, sinabi ni Herlene na, "Ang kakisigan ay kapag ang loob ay kasing ganda ng labas.”

Una rito, ipinamalas din ni Herlene ang kaniyang magiging signature walk sa Binibining Pilipinas na bibigyan niya ng "pangalan."

 

 

FRJ, GMA News