Suportado ni Sharon Cuneta ang anak nila ni Senador Kiko Pangilinan na si Miel, 17-anyos, matapos nitong ipagtapat na miyembro siya ng LGBTQIA+ community.

Sa pag-share ni Sharon sa Instagram ng larawan ni Miel na hawak ang pride flag, sinabi ng Megastar na batid niya na marami ang makakapansin sa ginawa ng kaniyang anak, at marami rin ang magkakaroon ng negatibong komento.

"Lots of people who are quick to judge instead of pausing to think for a moment that my daughter, like so many members of the LGBTQ+ Community, did not choose to be queer," anang aktres.

"She just is. I believe God doesn’t make mistakes. So many of the most sincere and most decent people I know are also LGBTQ+ and I love them for all that they are," patuloy niya.

Sinabi ni Sharon na magkakaroon siya ng mas masayang anak ngayong "malaya" na ito.

"What’s next is that I will have a happier daughter who is now 'free' and will always be a good person with a good heart - and still always courageous," sabi ng Megastar.

 

 

Ayon pa sa aktres, patuloy niyang mamahalin ang kaniyang anak “just the same, if not more,” kahit pa ano ang maging desisyon nito basta maging totoo lang sa sarili.

Sinabi pa ni Sharon na ang mahalaga sa isang tao ay “goodness, sincerity, pureness of heart, [and] faith in God,” na taglay umano ng kaniyang anak na si Miel. – FRJ, GMA News