Ilang araw matapos magkuwento si Ruru Madrid sa espesyal na pagtitinginan nila ni Bianca Umali, inihayag naman ni Bianca na "very much in love" siya.

Sa kaniyang Instagram, nag-post si Bianca ng isang black and white beach photo nila ni Ruru, na may masasayang tinginan sa bawat isa at sinusulit ang oras na magkasama habang nagbababad sa araw.

"Very much in love is what it is. [heart emoji]" caption ng aktres.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by B (@bianxa)

 

Bago nito, binisita rin ni Bianca si Ruru sa South Korea, matapos ang taping ng aktor para sa Running Man Philippines.

Makikita sa video ni Bianca na napaiyak ang aktor dahil sa kaniyang sorpresa.

Sa "Kapuso Mo, Jessica Soho," sinabi ni Ruru na bagama't wala silang label, apat na taon na silang "dating" ni Bianca.

"Dahil kayo po ang nagtanong, Ma'am Jess, this is the first time na sasagutin ko po ito," sabi ni Ruru. "We're dating for four years"

"We're just very happy dahil ramdam po namin 'yung suporta ng bawat isa," dagdag ni Ruru.— Jamil Santos/FRJ, GMA News