Sold out na ang The Eraserheads reunion concert na may titulong "Huling El Bimbo."

Sa Instagram post ngayong Lunes, inanunsyo ito ni Ely Buendia at nagpasalamat siya sa mga sumusuporta sa kanila.

"Thank you for supporting Filipino artists. We will try to make this an unforgettable experience for all of you," saan ni Ely sa caption.

 

 

Sa "Huling El Bimbo" Facebook page, sinabi ng OPM band na ilalabas naman ang mga ticket promo mula sa ilan nilang sponsors.

Nakatakdang gawin ang "Huling El Bimbo" concert sa December 22, sa SMDC Festival Grounds.

Kasama ni Ely sa banda sina Raymund Marasigan, Buddy Zabala, at Marcus Adoro.—FRJ, GMA News