Walang kawala sa mga "Batang Hamog" ng "Eat Bulaga" na sina Maine Mendoza, Maja Salvador, Miles Ocampo, at Ryzza Mae Dizon ang kawatan na nanghablot ng kanilang bag, na laman ang kanilang pinaghirapan.

Nang mahuli ng mga batang hamog ang kawatan, pina-"face reveal" nila ito dahil may takip ang mukha, sinermonan at pinag-"pinky swear" na hindi na uulitin ang masamang ginawa.

Panoorin ang tagpo at alamin ang pangaral ng mga batang hamog sa kawatan na hindi dapat magnakaw kahit gaano pa kahirap ang buhay. --FRJ, GMA News