Isinilang na ni Rita Daniela ang kaniyang panganay na anak na si Baby Juan "Uno" Andres.

Sa kaniyang Instagram, ibinahagi ni Rita ang kaniyang larawan na kalong-kalong si Baby Uno sa delivery room, matapos niya itong ipanganak noong Huwebes, Disyembre 22.

Maituturing ni Rita na  "greatest Christmas gift" ang kaniyang anak ngayong 2022, na isinilang malapit sa araw ng Pasko.

"Hi, my son. You’re the greatest Christmas gift that God has given me. You’re such a blessing to us. Your Tatay and I are so joyful to have you. Can’t believe I’m celebrating Christmas this way... with you. ♥?" caption ng Kapuso actress.

 

Nauna nang inanunsyo ni Rita na buntis siya noong Hunyo.

Kahit hindi planado ang kaniyang pagbubuntis sa kaniyang non-showbiz boyfriend, sinabi ni Rita na masaya siya at buong puso niya itong tinanggap. —LBG, GMA Integrated News