Isang nakakikilabot at maaksyong teaser ng "Voltes V: Legacy" ang inilabas ng GMA Network nitong Sabado, tampok ang main cast ng series.

Sa teaser, mapapanood ang pagsakop ng Boazanian Empire sa planetang Earth, na pinangungunahan ni Prince Zardoz, ginagampanan ni Martin del Rosario.

Ipinakita rin ang higanteng battle machine na si Voltes V, at ang mga piloto nitong sina Steve Armstrong (Miguel Tanfelix), Jamie Robinson (Ysabel Ortega), Mark Gordon (Radson Flores), Big Bert (Matt Lozano) at Little Jon (Raphael Landicho).

Ilang saglit pa, makikita ang pag-volt in ng mga bahagi ni Voltes V.

Astigin naman paglalakad ng Voltes V Heroes, na handa na sa kanilang misyon na protektahan ang mundo.

Nauna nang sinabi ng direktor nitong si Mark Reyes na inaasahan nang mapanood ang live action adaptation sa ikalawang quarter ng 2023. —LBG, GMA Integrated News