Madamdamin ang pagkompronta ni Maria Clara kay Padre Damaso matapos niyang malamang ito ang kaniyang tunay na ama sa episode ng "Maria Clara at Ibarra" Huwebes ng gabi.

Ayon kay Julie Anne San Jose, ito ang isa sa kaniyang "most challenging confrontational scenes" sa series.

"By far one of my most challenging confrontational scenes in MCI. Muchas gracias a todos sa walang sawang pagsuporta at pagsubaybay, xoxo," ayon kay Julie, na ibinahagi rin ang eksena sa kaniyang Instagram.

 

Umani naman ng papuri si Julie mula sa kaniyang mga kaibigan sa showbiz at sa netizens.

"Ang husay husay mo naman. Grabe!" papuri sa kaniya ni Rayver Cruz, na nali-link sa kaniya.

"Grabe naman! Powerful scene!???????? Best Actress @myjaps Galing ???? Solid tito Pip. Best actor @tirsocruziii ????" komento ni Rodjun Cruz.—Jamil Santos/AOL, GMA Integrated News