Ipinakita ni Kim Domingo ang kaniyang pagiging ultimate fangirl matapos niyang padalahan si Cha Eun-woo ng food truck sa set ng drama ng aktor.

Sa larawang ibinahagi ng K-Pop group na ASTRO, kung saan miyembro si Cha Eun-woo, makikita rin sa banner ng food truck ang mensaheng ipinadala sa kaniya ni Kim.

“Thank you for always inspiring us. Cheering on you, Teacher SeoWon! Chaiting!!”

"-from Philippines, Kim Domingo"

Nag-post naman ng mensahe ng pasasalamat ang aktor sa regalo sa kaniya ni Kim.

“I ate the delicious coffee, tea, and so-tteok so-tteok, and croffle really well.”

“Thank you so much. Teacher SeoWon chaiting!!!”

Kultura sa South Korea ang pagpapadala ng mga coffee at food truck para ipakita ng fans ang kanilang paghanga sa mga iniidolo nilang mga aktor, at pagsuporta na rin sa production sa likod ng ginagawang drama o pelikula.

Ayon sa ulat ng Soompi, gaganap si Cha Eun-woo sa isang drama na may working title na “A Good Day to Be a Dog.” —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News