Kabilang ang modelo at vlogger na si Sunshine Guimary sa mga celebrity na maraming tagahanga sa social media. Sinasadya nga ba niyang mag-post ng mga sexy photo para lalong dumami ang followers?

Sa nakaraang episode ng "The Boobay and Tekla Show," unang nilinaw ni Sunshine na hindi siya ipinanganak sa China na taliwas sa mga kumakalat na impormasyon tungkol sa kaniya.

Ayon sa sexy star, ipinanganak siya sa Surigao del Sur pero nag-aral at lumaki sa Cebu.

Dati na rin siyang naging modelo sa FHM noong 2014, pero mas nakilala pa siya dahil sa kaniyang sexy posts sa social media.

Gayunman, nilinaw din niyang hindi niya sinadyang magpa-sexy.

"Gusto kong ma-maintain lang 'yung aking timbang, 'yung healthy lang siya. At the same time, uso 'yung micro mini those days, kaya pak! order ako nang order," sabi niya.

Dahil marami rin siyang male followers, tinanong si Sunshine tungkol sa status ng kaniyang lovelife.

"Warm ang aking Pasko," saad niya. --FRJ, GMA Integrated News