Kung bitin ang netizens sa "Jopay" version ni Kosang Marlon na ipinost sa TikTok, may pagkakataon na muli itong madinig kasama pa ang OG ng awitin na ang bandang Mayonnaise.

Kamakailan lang, nag-viral ang nakaaaliw na sintunado version ni Kosang Marlon ng naturang hit OPM song.

At sa tulong ng "Kapuso Mo, Jessica Soho," hindi lang basta nakilala ni Kosang Marlon nang personal ang kaniyang idolong banda, kung hindi naka-jamming pa sa pagkanta ng "Jopay."

Kaya abangan sa darating na Linggo ang "KMJS" episode sa ganap na 8:50 p.m, at alamin ang kuwento sa likod ng viral TikTok song na sikat ngayon sa Gen Z kahit 2004 pa ito inilabas. --FRJ, GMA Integrated News