Bukod sa pagkumpirma ni Bianca Umali sa nangyaring insidente noon na pag-aaway sila ni Ruru Madrid sa mall dahil sa selos, inihayag din ng aktres na "naghiwalay" sila ng nobyo dahil sa nangyari.

Sa "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Martes, sinabi ni Bianca na kahit naghiwalay sila ni Ruru, nanatili pa rin ang kanilang komunikasyon.

READ: Bianca, itinanggi ang usap-usapang muntik niyang masagasaan noon si Ruru dahil sa selos

"That was eight months din Tito Boy, almost a year. We were in touch," sabi niya.

"We were in touch kasi ganoon namin kamahal ang isat’ isa. Even ako kahit na in times na nasasaktan ako, mahal kita eh. Okay lang na masaktan ako, that's part of it," dagdag ni Bianca.

Matapos ang paghihiwalay, ginawa nila ang lahat ng kanilang makakaya para maisalba ang kanilang relasyon.

"We were in touch but Ru did everything that he could to save the relationship and to win me back. And I did so much work also to forgive and to say that 'Okay let’s start again because I love you,'" saad ng dalaga.

Tanong ni Tito Boy kay Bianca, "Paano ka nakakasiguro na faithful sa 'yo si Ruru?" 

"Communication, commitment. I think kasi nga po proven and tested na palaging tama 'yung intuition ko. I think 'yun ang instinct ng babae eh," tugon ng "The Write One" star.

"Tsaka body language rin. And Ru was also very bad at lying, mabilis talaga siyang mahuli, alam naman niya 'yun," natatawang sabi ni Bianca.

Natanong din si Bianca tungkol sa kaniyang reaksyon o gagawin sa mga babaeng lumalampas sa kanilang boundaries at tila nagpapa-cute kay Ruru.

"Sa mga ganu'ng pagkakataon, hindi naman kasi namin palaging kasama nakikita o nakikita ang isa't isa. It was more of us having a conversation and the agreement na babantayan namin ang mga sarili namin, we consider what the other person will feel," paliwanag ni Bianca.

"While we observe paano ba itong itong babae or lalaki sa akin ngayon. Okay ba kay Bianca o kay Ruru itong nakikita niya na ganito? It's more of us watching ourselves, and maging conscious kami para roon sa taong mahal namin," patuloy niya.

Sinabi ni Bianca na mahalaga sa kanila ni Ruru ang komunikasyon para mapag-usapan at masabi ang nararamdaman ng isa't isa.

'The Write One'

Ang upcoming series na "The Write One" ang kauna-unahang proyekto napagtatambalan nina Bianca at Ruru.

“For the very first time, nagsama na po kami for a project, and it has been a wonderful journey for the both of us,” sabi ni Bianca.

Inamin ni Bianca na madali at mahirap ang makatrabaho ang kaniyang nobyo.

“Mahirap at madali siya doon sa point na kumportable kayo sa isa’t isa. Mahirap kasi you’re too comfortable so you have to step back a bit to work as co-actors and not as a couple. Madali because you are working with someone you love and you’re familiar with,” paliwanag niya.

Sa pagsabak niya sa “Fast Talk,” sinabi ni Bianca na ang dimple ni Ruru ang sexiest part ng katawan ng binata. Pinakagusto niyang nilalambing si Ruru, samantalang paborito naman niyang niyayakap siya nito.
Ayon kay Bianca, "words" ang love language ni Ruru.

"Simple lang po kami magregaluhan eh. In fact, hindi kami naghahanap ng regalo sa isa't isa. It's more of the quality time po," sabi pa ng aktres.--FRJ, GMA Integrated News