Bukod kay Jeric Gonzales, inihayag ni Klea Pineda-- na nag-out na isa siyang lesbian--ang iba pang Kapuso actors na naka-date niya.

Sa episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Lunes, sinabi ni Klea na naka-date niya sina Jeric, Andre Paras, at Jak Roberto. Pero hindi umano niya nakarelasyon ang mga ito.

“First, after ‘Starstruck,’ nandiyan agad si Jak Roberto. Ilang months din kami nag-date ni Jak, and umabot sa point na pinakilala ko siya sa family ko,” ani Klea.

“Second is yung naka-love team ko si Jeric Gonzales. And then hindi siya official na nag-try [manligaw] but lumabas kami many times, si Andre Paras,” patuloy ng aktres.

ADVERTISEMENT

Nauna nang kinumpirma ni Klea na panliligaw sa kaniya noon ni Jeric.

Ayon kay Klea, sinubukan niyang makipag-date sa lalaki dahil sa mungkahi ng ilang tao na nagsasabing, “baka puwede pa.”

Pero napansin daw ni Klea na may kulang talaga kapag lalaki ang kasama niya.

“’Yung happiness, sobrang kulang. Hindi ko naman sinasabi na hindi ako sumaya sa mga guys na ‘to, pero may kulang,” paliwanag niya.

“Whenever nakikipag-date ako sa girls or nagkakaroon ako ng girlfriend, iba yung saya ko, iba yung nararamdaman ko,” patuloy ng aktres.

Inihayag ni Klea na miyembro siya ng LGBT community sa pagdiriwang ng kaniyang 24th birthday.

Matapos nito, ipinakilala rin ni Klea ang kaniyang girlfriend na si Katrice Kierulf.— FRJ, GMA Integrated News