Kinumpirma ni Valerie Concepcion na buntis siya sa kaniyang asawang si Francis Sunga, isang araw bago ang Mother’s Day.

Sa kaniyang Instagram, ibinahagi ni Valerie ang ilang larawan na hawak niya at ni Francis ang ultrasound, pati na rin ang kaniyang baby bump.

“One is great, two is fun, so why not add another one? ????” caption ng “The Seed of Love” actress.

 

Ikinasal sina Valerie at Francis noong 2019. Matatandaang may panganay na anak si Valerie sa dati niyang nobyo na si Jeremy Carag na si Heather Fiona Galang, na nagdebut noong nakaraang taon.

May anak na babae rin si Francis sa dati niyang relasyon.

Ipinaabot naman ng mga kaibigan ni Valerie sa showbiz ang kanilang pagbati sa aktres sa kaniyang magandang balita.

“Yaaaayyy congratulations @v_concepcion woohoooo??????” sabi ni Pokwang.

“YEHEEEEEYYYYY!!!!!! Ninang ako te ?????? haha” biro sa kaniya ni Herlene Budol.

“Woohooooooooo congratulations!!!! @v_concepcion” pagbati ni Gelli de Belen.

“Congratulations, Val!!!” sabi ni Carla Abellana. —LBG, GMA Integrated News