Nakita ni Bianca Umali ang pagiging mas pasensyoso at pagbuti pa ni Ruru Madrid sa kanilang Paris tour para sa kanilang series na “The Write One.” Ang aktor naman, nakita ang maturity nila ni Bianca saang lugar man sila magpunta.

Sa Star Bites report ni Aubrey Carampel sa Balitanghali nitong Miyerkoles, sinabing ang naturang series ay collaboration ang GMA Public Affairs at Viu Philippines.

“Nakita ko ‘yung patience and growth ni Ruru that I don’t really see when we are in Manila kasi we’re always busy,” sabi ni Bianca.

Si Ruru naman, sinabing mas tumatag pa ang relasyon nila ni Bianca.

“For the very first time sa buhay namin, or dito sa trip namin na ito, mas nakita ko na kayang kaya namin kahit na saang lupalop pa kami ng mundo papunta, kahit kaming dalawa lang nandiyan,” sabi ni Ruru.—Jamil Santos/AOL, GMA Integrated News