Naging emosyonal si Manilyn Reynes nang alalahanin ang pagpanaw ng kaniyang amang si Nelson noong 2021.

“Si daddy kasi, actually si mama at si daday, sobra ‘yung tiwala nila sa kung ano ang kaya kong gawin,” sabi ni Manilyn sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Miyerkoles.

Ayon kay Manilyn, dahil sa tiwala, pinapabayaan lang siya ng kaniyang mga magulang.

“Hindi sila stage father, stage mother. Pagdating ko sa set, pagdating ko sa stage, ‘Do your thing!’ Wala na ‘yung ‘Dapat ganito ka iha, dapat humarap ka, gumanito ka.’ Hindi, walang gano’n,” patuloy niya.

Kuwento pa ng aktres, “‘Alam ko kaya mo, go.’ Ganoon lang. Kaya si daddy alam kong nakatingin sa akin ngayon at proud na proud na sinasabi, ‘Manilyn okay na imong gibuhat (Okay na ang ginawa mo).’”

Sa kaniyang post noong pumanaw ang ama, saad ni Manilyn sa Bisaya, "Pahinga na, Dy. Wala ng sakit at kahirapan para sayo."

"Mahal na mahal kita. Kami nila Aljohn, Kyle, Kirk ug Kael. Love you very much. We all love you very much.," anang aktres.

--FRJ, GMA Integrated News