Kabilang ang dating "Eat Bulaga" host na si Ruby Rodriguez sa mga naging sentimental sa mga pangyayari sa longest-running noontime show sa bansa.

Sa kaniyang Instagram, ibinahagi ni Ruby ang ilang masasayang larawan ng mga host at bahagi ng production sa higit apat na dekadang pagpapasaya ng programa.

Kabilang sa mga larawan ang pagsusuot ng mga host at iba pang bumubuo ng Eat Bulaga ng pula o puting t-shirt kung saan nakalagay ang taon kung kailan sila naging Dabarkads.

Si Ruby, Dabarkads na magmula pa noong 1991.

“Eat Bulaga will forever be a part of me. This is where I met my husband and had my 2 kids. All dabarkads will forever be in my heart. I love eat bulaga i love bulaga family,” caption ni Ruby, na nasa Amerika na ngayon at nagtatrabaho sa Philippine Consulate Office.

Sa isa pang post, inihayag ni Ruby na sina Tito, Vic at Joey ang kaniyang mga mentor at idolo, bukod pa sa kaniyang mga kaibigan.

 

 


Inihayag din niyang miss na niya ang kaniyang BFF na si Pauleen Luna.

“My bff @pauleenlunasotto I miss you soso much. You are one of the best reason why no matter what i love Eat Bulaga. If not for this show i would have never met you. Live you and miss you much,” ani Ruby na may kasamang heart emojis.

Unang kumalas sa TAPE Inc, na producer ng "Eat Bulaga," sina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey De Leon. Nitong Huwebes, inulat na maging ang iba host ng programa ay nagpaalam na rin sa TAPE Inc., kabilang sina Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Maine Mendoza, Alan K, Ryzza Mae Dizon, at Ryan Agoncillo.

 

Hindi rin naitago ng dating miyembro ng Sexbomb Girls na si Rochelle Pangilinan ang lungkot sa naging hidwaan ng mga host ng Eat Bulaga at ng TAPE Inc.

“Dito ako nagsimula. Dito ako umpisang nakilala.

Dito ako lumaban at bumawi. Hanggang mag spaghetti ako pababa at pataas,” sabi ni Rochelle.

“Nakakalungkot lang,” dagdag pa niya.

 

 

--FRJ, GMA Integrated News