Na-hook na rin maging ang Kapuso stars sa viral na "Bakit malungkot ang beshy ko?" craze.
Sa Unang Balita nitong Martes, mapapanood ang IG post ni Mikael Daez ng entry nila ng asawang si Megan Young at ng kaniyang kapatid na si Emilio.
Kumasa rin si Ashley Rivera, na poise pa rin pagkatapos magpakitang gilas sa pagtumbling.
Hindi rin nagpahuli si "Abot-Kamay na Pangarap" star Jillian Ward sa "beshie" craze.
Nauna nang kinagiliwan at pumatok sa netizens ang entry ni Dennis Trillo. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News
