May bagong role na pagkakaabalahan para sa pagtulong sina Dingdong Dantes at Marian Rivera, matapos silang mahirang na ambassadors at large ng Alay Kapwa Fund Campaign ng Caritas Philippines.

Sa ulat ng GMA News "Unang Balita" nitong Huwebes, hinikayat ng DongYan ang mga dumalo sa commitment night ng Caritas na magkaloob ng donasyon na gagamitin sa pagtulong sa mga nangangailangan.

Sinabi ang mga makakalap na pondo ay gagamitin sa Alay Kapwa celebration legacy programs.

Natutuwa sina Dingdong at Marian na maging bahagi ng kampanya at makatulong na magbigay ng pag-asa sa mga kababayan.

Siniguro ng Caritas Philippines na maraming matutulungan ang mga makukuha nilang donasyon. --Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News