May nilinaw si Bea Alonzo tungkol sa usap-usapang hidwaan umano nila ni Alden Richards nang magkasama sila sa seryeng "Start-Up PH" noong nakaraang taon.

Sa episode ng "Fast Talk With Boy Abunda" nitong Huwebes, tinanong ng King of Talk si Bea kung totoo o hindi ang tungkol sa isyu sa kanila ni Alden.

Inamin ni Bea na totoong nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan pero napag-usapan na raw nila ito at maayos na ang lahat.

"Nagkaroon kami ng sama ng loob but 'di kami nag-away," paglilinaw pa niya.

Tinanong ni Tito Boy kung professional problem ang nangyari sa dalawa, na inayunan naman ni Bea.

Ayon sa aktres, posibleng dahil umano ito sa magkaibgang backgrounds nila ni Alden bilang artists.

"I think nagkaroon lang ng mga misunderstandings while on set. But we were able to talk about it," saad ng aktres.

"I remember we were on the plane going to Davao while we were promoting "Start-Up PH," pinag-usapan namin like mature people and we were able to sort things out," dagdag niya.

Sa isang ulat ng PEP.ph, sinabing ganoon din ang paliwanag ni Alden sa media conference kamakailan ng "Battle of the Judges."

Si Alden ang host ng naturang upcoming talent competition, habang isa si Bea sa mga judge kasama sina Tito Boy, Jose Manalo, at GMA Network Senior Vice President Annette Gozon-Valdes.

"Hindi namin gets kung bakit lumaki siya nang ganun na parang naging out of hand siya," paliwanag ni Alden.

Ayon pa sa aktor,  "very light misunderstanding" lang ang nangyari sa kanila ni Bea na naayos kaagad nang kanilang pag-usapan.

"And never naman kaming hindi naging OK," ani Alden. "Kasi it's always about open communication. And nung napag-usapan naming dalawa 'yun, tinawanan lang namin siya at the end of the day." —FRJ, GMA Integrated News