Inilahad ni Isko Moreno na hindi biro ang pagod na kaniyang naranasan noong kampanya ng Eleksyon 2022 kung saan kumandidato siyang pangulo. Ano kaya una niyang ginawa nang maging citizen Isko siya at paano niya tinitingnan ang pagkabigo?

Sa Updated with Nelson Canlas podcast, tinanong ang dating alkalde ng Maynila kung ano ang pinakauna niyang ginawa nang maging ordinaryong mamamayan na siya nang hindi palaring manalong pangulo noong nakaraang halalan.

“Matulog!” natatawang sagot ng bagong host ng "Eat Bulaga."

“Kuwentu-kuwentuhan with my kids and sabi ko, ‘Halika, magnegosyo tayo! Ayusin naman natin ang kinabukasan natin, economically as a family,” patuloy niya.

Paliwanag ni Isko, dapat maghanap ng ibang paraam ang isang tao kapag may nakaharang sa kaniyang dadaanan.

"Kapag ang isang kalsada na-block ka, or what you call stumbling blocks, you really have to find ways to move forward and move on with your lives. Because hindi naman araw-araw tagumpay ang makakamtan mo sa buhay," ani Isko.

Sinabi ni Isko na bahagi na ng buhay ang mga tagumpay at pagkabigo.

"You'll see some failures and some success, you learn from both, and you apply that for your next goal,” patuloy niya.

Tinanong din si Isko kung nahirapan siya sa adjustment mula sa pagiging politiko sa pagiging ordinaryong mamamayan.

“I’ve faced a lot of failures in life. Every failure teaches you a lot of lesson. And I think the least thing you can do is to learn from it and try to move on. Make something better for yourself, for your family and of course for our community, as a citizen," ayon sa dating alkalde. --FRJ, GMA Integrated News