Inihayag ni Kakai Bautista ang kaniyang dahilan kung bakit crush na crush niya si Stell ng SB19. Ano kaya ang magiging reaksyon niya kapag nakaharap si crush?
“Yes. Super bias ko siya,” sabi ni Kakai sa “The Boobay and Tekla Show.”
“Marami na akong friends from theater and the industry na nakapagtrabaho with them, sa SB19. At lagi nilang sinasabi na very approachable daw si Stell,” kuwento pa ni Kakai.
Inilahad ni Kakai ang mga katangian na nagustuhan niya kay Stell, na isa sa coaches sa “The Voice Generations.”
“Tsaka kapag makita mo kasi ‘yung story nila and then ‘yung personality ni Stell, siya talaga ‘yung pinaka... ‘yung happy, makulit, tapos ang galing pang sumayaw, ang galing pang kumanta.”
“Hindi ko na alam guysh. Sobrang galing more than anything, sobrang galing and ‘yung passion niya sa kaniyang trabaho and craft niya, ibang level,” pagpapatuloy pa ni Kakai.
Sa isang panayam sa “Fast Talk with Boy Abunda,” nauna nang inihayag ni Kakai na nais niyang maka-date si Stell.
Ano kaya ang magiging reaksyon ni Kakai kapag nakita niya nang personal si Stell? Panoorin ang video. --FRJ, GMA Integrated News
