Todo ang kilig ng DongYan fans matapos samahan ni Dingdong Dantes si Marian Rivera sa isang hataw na TikTok dance video.

Sa kaniyang TikTok, ibinahagi ni Marian ang pagkasa nila ni Dingdong sa Tootsee Roll dance challenge, kung saan makikita ang kanilang swabeng dance moves.

@marianrivera Forever partners, forever dancing ???????? Finally, he said yes! ???? @Dong Dantes #MarianRivera #DongYan #FYP ? original sound - Marian Rivera

Hindi naman mapigilan ni Marian na matawa nang mapapayag niya na rin ang mister na gumawa ng mas hataw na dance moves.

“Forever partners, forever dancing. Finally, he said yes!” caption ni Marian sa video.

Agad itong kinaaliwan ng netizens, na mayroon nang limang milyong views at isang milyong reactions.

Nauna nang inihayag ni Dingdong ang kaniyang pagsuporta kay Marian sa pagti-TikTok nito.

“Sobrang hilig niya talaga ‘yung pagsasayaw magmula noon, and I’m just really very happy to see her doing these things that she really likes,” saad ni Dingdong.

“And basta sinabi niya, gagawin ko,” dagdag pa niya.

Nauna nang nag-viral ang “Price Tag” challenge ni Marian, na sinundan ng pagkasa niya sa “It’s Plenty” trend.

Sinurpresa rin ni Marian ang kaniyang fans sa kaniyang Sabay Sabay Tayo” dance at inflex si Dingdong gamit ang “Salamat Lord” audio.

Tinatrabaho rin nila ni Dingdong ang pelikulang “Rewind,” na isang family drama na may magical realism. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News