Hindi maiwasan ni Bianca Umali na makadama ng takot na baka may kapalit ang maganda at masayang takbo ng career at love life nila ni Ruru Madrid. Inihayag din ng aktres na isa sa mga kahinaan niya ang nobyo.

“Sa Fast Talk with Boy Abunda” nitong Martes, hiningan ni Tito Boy si Bianca ng reaksyon nang sabihin ni Ruru sa episode nitong Lunes na si Bianca ang nahanap na “katapat” ng binata at siya ang nagpatino rito.

“You get emotional when everything hits that soft spot in me. And ‘yon ‘yung perfect na definition ko why every time I see Ruru, why every time when we talk about the relationship and our faith, ‘yun ang kahinaan ko. It’s my strength but also my weakness. Ang Ama, siya at ang lola ko,” saad ni Bianca.

Inilahad pa ni Bianca na nakararamdam siya ng takot ngayong parehong maganda ang takbo ng karera at relasyon nila ni Ruru.

“Hindi po biro ang takot. Siguro po kasi based on my life experiences as well, kapag ganito na parang lahat smooth sailing, kapag ang ganda ng lahat ng nangyayari, sometimes I think it’s too good to be true. Na parang panaginip, huwag naman po sanang mawala, hindi ko sinasabing… Pero may ganu’n po eh,” anang Sparkle actress.

“‘Totoo ba ito?’ Iniisip ko minsan ‘May kapalit ba ito kaya pinapadanas sa akin ito?’ o ‘Mag-stay ba sa akin ito habambuhay na ganito?’” pagpapatuloy ni Bianca.

Gayunman, natututo raw si Bianca na harapin ang takot na ito.

“‘Yung takot na ‘yun, I love it kasi masasabi ko na ‘yung takot na ‘yun, ‘yun ang nagpapalakas sa akin. It’s kind of contradicting, but I love the fear because it makes me braver,” aniya.

“It pushes me all the more to do my best, to work harder and to not disappoint myself,” dagdag pa ni Bianca.

Inamin naman ni Bianca na hindi sa lahat ng oras ay “malakas” sila pareho ni Ruru pagdating sa buhay.

“A lot. Lalo na in times that, yes meron kaming mga kaniya-kaniya naming career and we are thriving parehas right now, but we also get weak at some point,” sabi niya.

"And kapag hindi namin mahanap sa mga sarili namin ‘yung strength na meron kami usually, we turn to each other, we lean on each other. We give each other strength,” patuloy niya.

Ayon kay Bianca, may pagtanggap siya na kahit kailan, hindi magiging perpekto ang buhay.

“To accept that life will never be perfect, but ‘yung acceptance of all the imperfections ng buhay, that’s what makes it perfect,” sabi ng aktres.

Bida ngayon si Ruru sa Kapuso primetime series na "Black Rider," habang makakasama naman si Bianca sa upcoming series na "Sang'gre."--FRJ, GMA Integrated News