Gaya nang naunang sinabi ni Miss Universe Philippines Michelle Dee, sa kaniyang "wifey" na si Rhian Ramos pa rin siya uuwi.

Kaya naman ibinida ni Rhian ang "ngiting tagumpay" nang bumalik na sa kanilang bahay si Michelle matapos na sumabak ang huli sa Miss Universe pageant na ginanap kamakailan sa El Salvador.

BASAHIN: Michelle Dee sa kaniyang 'wifey'na si Rhian Ramos: ‘Sa ‘yo pa rin umuuwi’

Sa Instagram, nag-post si Rhian ng mga larawan nila ni Michelle nang kasama siyang sumalubong sa Kapuso beauty queen noong Sabado.

"Ngiting tagumpay," saad ni Rhian sa caption, na may winking face na may tongue-out emoji.

"[Honey], you're home," dagdag pa ni Rhian sa kaniyang housemate na si Michelle.

Sa comment section, sumagot naman si Michelle ng, "HONEY, I'M HOME."

 

 

Bago nito, nag-post si Michelle sa social media ng pagtiyak kay Rhian na uuwi pa rin sa kanilang bahay.

Bunga ito ng mainit na pagtanggap ng netizens sa #PorDee tandem nina Michelle at Anntonia Porsild, ang Miss Universe ng Thailand.

Naging malapit na magkaibigan ang dalawa nang sumabak sila sa Miss Universe pageant sa El Salvador.

BASAHIN: Rhian Ramos, aminadong 'para silang mag-asawa' ng BFF na si Michelle Dee

Magkasama sa iisang bahay ang magkaibigang Michelle at Rhian mula pa noong nakaraang taon, at "wifey" at "honey" ang tawagan nila.—FRJ, GMA Integrated News