Sigurado na sina Gabbi Garcia at Khalil Ramos na sa kasalan ang tuloy ng kanilang relasyon na pitong taon na ngayon. Inihayag din ng dalawa na sina Anne Curtis at Erwan Heussaff ang kanilang #CoupleGoals.

Sa larong "Fast Talk Back" sa “Fast Talk With Boy Abunda” nitong Miyerkoles, tinanong sina Gabbi at Khalil kung sino ang tatlong couple na kanilang iniidolo pero dapat nilang masagot ang tanong sa loob lang ng limang segundo

“Anne (Curtis), Erwan (Heussaff),” sabay na tugon ng dalawa na inabot ng time limit sa pagsagot kaya wala nang ibang pangalan na nabanggit.

Kasunod nito, sinabi ni Khalil na pinag-uusapan na nila ni Gabbi ang tungkol sa kasal ngayong pitong taon na ang kanilang relasyon.

“It’s actually something that we talk about a lot. I’m not sure if that is something that is healthy? We both think it is,” anang aktor.

ADVERTISEMENT

“Same naman kasi talaga kami ng end goal. And even at the start of this relationship, why waste time on someone you don’t want to end up with, right?” dugtong ni Gabbi.

"From the get-go I feel like we were aligned that we wanted to keep this relationship special for the future," dagdag pa ng aktres.

Ayon kay Gabbi, alam na niya kung ano ang isusuot niya sa kasal.

“I want it to be very intimate. A very quiet wedding,” anang dalaga.

"I'm not afraid to talk about it kasi that's part of life and it's such a beautiful thing,” saad pa ni Gabbi.

Para kay Gabbi, magiging problema lamang ito kung nakaramdam na sila ng pressure mula sa mga tao sa kanilang paligid at sinasabi ng social media.

“If it’s something that you discuss for the future and it strengthens your relationship, it makes it healthier, why not?” sabi niya.

Saad naman ni Khalil, “I’d be lying if I didn’t say that I didn’t feel an ounce of pressure at all. Totoo na may pressure talaga.”

"I’m approaching my 30s na, we both see ourselves starting a family eventually," pagpapatuloy ni Khalil.

"It's about being aware that there is that pressure and how you manage it really," sabi pa ng binata.

Nagsimulang mag-date sina Gabbi at Khalil noon pang 2017. Bumida sila sa 2022 Kapuso mystery romance series na "Love You Stranger." -- FRJ, GMA Integrated News