Labis ang tuwa at pasasalamat ni Jon Lucas matapos siyang makatanggap ng isang brand new car na sorpresa sa kaniya ng asawang si Shy Ferras.

Sa kaniyang Instagram, sinabing hindi inaasahan ni Jon ang sorpresa dahil pupunta lang dapat sila sa isang mall.

Ayon sa Black Rider star, isa ito kaniyang mga pinapangarap, kaya grateful siya sa Diyos at sa kaniyang asawa.

ADVERTISEMENT

Binati naman si Jon ng kaniyang showbiz friends, kabilang sina Ruru Madrid, Shaira Diaz, Gladys Reyes, Dianne Medina, Diego Loyzaga, Rodjun Cruz at marami pang iba.

 

 

Kasal na sina Jon at Shy mula pa noong 2017. May dalawa silang anak na sina Brycen at Bria.

Napapanood si Jon sa “Black Rider” na pinagbibidahan ni Ruru Madrid sa GMA Prime tuwing 8 p.m. pagkatapos ng 24 Oras.-- Jamil Santos/FRJ, GMA Integrated News