Agad pumasok sa top chart sa isang music streaming platform ang latest solo album ni RM ng BTS na “Right Place, Wrong Person” pagkalabas nitong Biyernes.

Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa 24 Oras Weekend nitong Sabado, sinabing kasama ng kaniyang solo album ang title track na “LOST!” na agad nanguna sa maraming bansa sa buong mundo.

Samantala, may exciting milestone ang 2013 debut music video ng BTS na “No More Dream” matapos nitong maabot ang 300 million views sa isang video streaming site. —Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News