Inihayag ng aktres at global fashion icon na si Heart Evangelista kung anong bahagi ng kaniyang mukha ang ipinaretoke niya.

Sa Instagram video, ipinakita ni Heart ang kaniyang lumang larawan bilang cover ng Candy Magazine noong August 2000.

Mula sa kanilang lumang larawan na kapag ikinumpara ngayon, sinabi ni Heart na, “Lips lang ‘yung naiba."

Dito na inilahad ni Heart na, "Lips lang ‘yung pinagawa ko, that’s true.”

“I’m saying the truth. If you don’t accept [it], then, well, wait for judgment day because this is all real except that (lips),” dagdag pa niya.

Ayon kay Heart, madalas na mapagkamalan ng ibang tao na ipinagawa niya ang kaniyang mukha.

"My eyes and nose, etc, were made by God. I swear," patuloy niya.

Nagbiro si Heart na isang araw ay kukuha siya ng patunay mula sa duktor na nagsasabi siya ng totoo.

“Hindi talaga, mamatay man, seryoso,” ayon kay Heart patungkol sa kaniyang mukha.

 

 

Kasalukuyang nasa France si Heart para sa unang Paris Fashion Week ngayong 2025.—FRJ, GMA Integrated News