Nagluluksa ang Kapuso star na si Alden Richards sa pagpanaw ng kaniyang lolo.

Sa Chika Minute report ni Iya Villania sa GMA News "24 Oras" nitong Huwebes, sinabi ni Alden na  dalawang linggo na ang nakararaan nang pumanaw ang lolo ni Alden, na dahilan ng kaniyang social media break.

Ang naturang pangyayari ang nagpaalala umano kay Alden ng kahalagahan ng pamilya nang higit sa lahat.

"Drop everything. Walang makakapigil sa 'kin kahit sino when it comes to family. If something goes wrong or something happens kasi, of course, we live in a very demanding world of show business, but iba kasing usapan 'pag pamilya na eh," anang aktor.

"Of course, a lot of Filipinos and a lot of our kababayans can relate to that. Blessed lang ako," dagdag niya.—FRJ, GMA Integrated News