Sa kaniyang pagbabalik-tanaw bilang isang singer-actress, inilahad ni Jackie Lou Blanco na isa si Sharon Cuneta sa kaniyang mga pinakaunang naging kaibigan sa showbiz.
“Dahil siya ‘yung unang nakasama ko sa first movie ko, nakasama ko bilang co-host sa GMA Supershow, one of the siguro first friends that I had in the business,” kuwento ni Jackie sa nakaraang episode ng cooking talk show ni Mikee Quintos na “Lutong Bahay.”
Nang tanungin kung anong song ang ide-dedicate niya kay Sharon, pinili ni Jackie Lou ang awiting "Friends."
Ang naturang kanta ang naging theme song ng kanilang pelikula na “Friends In Love,” na sabay din nilang ni-record ni Sharon.
Co-stars nila noon sa naturang movie sina William Martinez at Rowell Santiago.
Ilan pa sa mga pelikulang pinagbidahan nila noon ang "My Only Love" at "Kung Aagawin Mo Ang Lahat Sa Akin.”
Noong 2023, muli nilang ni-record ang kantang “Friends” at nag-shoot ng music video para na rin sa kaarawan ni Jackie.
"When my manager, Noel suggested I release a song on my bday, I didn’t think twice about it and said, Yes, lets do it! Then i texted Sharon to ask what her thoughts were. She said, Mama why not 'Friends'? After that everything just lead to this beautiful and surreal opportunity,” saad ni Jackie sa Instagram.
--FRJ, GMA Integrated News
