May espesyal na regalo si Yassi Pressman sa isang batang babae na nakilala niya sa Cebu City, at nalaman niyang ipinangalan sa kaniya.

Sa Instagram Reel, sinabi ni Yassi na nasa Carbon Market siya sa Cebu City nang lapitan siya ng isang mommy na kasama ang anak.

“Habang namimili (at nagpapa cute! Haha), lumapit sa 'min si mommy na may baby Yassi,” saad ni Yassi na inilarawan ang pangyayari na “isang masaya at nakakagulat na umaga.”

Ipinakilala ni mommy ang kaniyang anak na si Princess Yassi para makilala si Yassi.

Matapos ang yakapan at nang malaman ni Yassi na Grade na si Princess Yassi, sabi ng aktres, “Sige, sagot ko na ‘yung Grade 2 niya.”

Labis naman na ikinatuwa ng mommy ni Princess Yassi ang regalo ni Yassi sa kaniyang anak.

“Unexpected special moments are simply the best,” saad ni Yassi sa caption.

“Salamat Carbon Market, kay mommy at baby Yassi for making our Cebu trip extra memorable,” dagdag ng aktres.

 

 

Matapos ng insidente, nais ni Yassi na makilala rin ang iba pang bata na ipinangalan sa kaniya.

Noong nakaraang taon, naging emosyonal si Yassi nang malaman niya sa isang driver ng ride-hailing service na ipinangalan din sa kaniya ang anak nito.

Dating napanood si Yassi sa GMA series na “Black Rider” at sa pelikulang “Video City,” na si Ruru Madrid ang pareho niyang naging leading man.— FRJ, GMA Integrated News