Tila nag-unfollow sa isa't isa sa kanilang Instagram account ang mag-partner na sina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo. Ang aktres, may cryptic post din patungkol sa "Year Of the Snake."
Sa pagsilip sa kanilang IG account nitong Biyernes, mapapansin na hindi naka-follow sa isa't isa ang dalawa.
May cryptic post din si Andi sa Instagram Stories nitong Biyernes na nagsasaad ng, “I just found out its the year of the snake!! I thought it was the year of the wolf in sheep’s clothing!”
Huling nag-post si Andi na nabanggit niya si Philmar noong January 26, na nagsi-surfing sila.
“Fun family surf practice with our surf coach papa,” ani Andi.
Ipinagdiwang din nila ang kaarawan ng kanilang anak na si Koa noong nakaraang buwan.
Naging engaged ang dalawa noong 2020, at nakatakda sanang magpakasal noong 2024 pero hindi natuloy nang pumanaw ang ina ni Andi na si Jaclyn Jose.
Nitong nakaraang taon din, nagkaroon ng viral video si Philmar na makikitang may kasama siyang babae.
Saad ni Andi sa naturang isyu nang panahong iyon, "Philmar can go out with his friends, go drinking every once in a while, and chat with whoever he wants. No harm in that.”
Sa guesting nila sa "Fast Talk with Boy Abunda" noong June 2024, sinabi ni Philmar na karaniwang may lumalapit sa kanila para makipagkuwentuhan.— mula sa ulat ni Carby Rose Basina/FRJ, GMA Integrated News