Nilinaw ni Andi Eigenmann na hindi tungkol sa cheating ang kaniyang mga post na naging mainit na usapan online, ngunit inaming nasaktan siya sa love couple tattoo ni Philmar Alipayo at ng isang babaeng kaibigan nito. Ang surfer, sinabing "so be it" sa mga natanggap na puna sa kaniya.

Sa kaniyang Instagram stories, nagpasalamat si Andi sa kaniyang natanggap na suporta sa followers, ngunit sinabing siya ay "just got a bit shocked at some of the comments and some seem to assume it was about cheating!"

Inamin niyang posibleng "vague" o malabo ang kaniyang naunang post, kaya nag-post siya ng screenshot kung saan nagtanong siya sa ChatGPT tungkol sa kaniyang sitwasyon. Ayon sa screenshot, isang babae na kaibigan ni Philmar ang gustong magkaroon ng couple tattoo kasama ito.

“Do you think it’s [suspicious] when a friend invites your life partner to get a love couples’ tattoo with them without even filling you in or consulting you?” tanong ni Andi.

“But me and my life partner, we had a fight when this happened and she immediately comes to his rescue and invites him to do this?” dagdag niya.

“Took it personally because I never would’ve done it to you,” post pa ni Andi.

Sa iba pa niyang post, sinabi ni Andi na nakakita siya ng mga red flag, ngunit nahiyang sitahin ang babae.

“I have seen the red flags but chose to look beyond it. Since she was already a friend before I came into the picture. Was shy to call it out to my partner.”

“Now I realize setting boundaries in a relationship doesn’t make it toxic,” pagpapatuloy niya.

Nagbahagi pa si Andi ng isang quote na nagsabing “They stab you and pretend they are the ones bleeding.”

Nag-IG stories din si Philmar upang talakayin ang isyu.

“For whatever you all read is true, then so be it. There’s no hiding because it will be more difficult,” sabi ni Philmar, ayon sa isang translation.

Ayon pa sa kaniya, alam ng mga tao ang kaniyang ugali, at “siguro kilala niyo rin kung sino siya.”

"'Wag na natin taasan ang lahat,” pagpapatuloy ni Philmar.

“You can call me a cheater and ugly now,” sabi pa niya.

Nagbahagi pa si Philmar ng screenshot ng isang netizen na tinawag siyang cheater.

“It all helps. I deserve noon pa man.”

Sa kabila nito, pinasalamatan naman ni Philmar ang mga naghayag naman ng suporta sa kaniya.

Una nito, nag-unfollow sa Instagram sina Andi at Philmar Biyernes ng gabi.

Nakabase sa Siargao, 2020 pa engaged sina Andi at Philmar. —VBL, GMA Integrated News