Inihayag ni Winwyn Marquez na 'more than ready’ siya na muling sumabak sa pageant stage sa gagawin niyang pagsali sa Miss Universe Philippines 2025.
Taong 2017 nang makuha ni Winwyn ang korona sa Reina Hispanoamericana.
“It has been 10 years since I first stepped onto a pageant stage, 8 years since I became Miss Filipinas and lived a dream I worked so hard for outside the pageant world,” saad ni Winwyn sa Instagram post.
“Then I took a step back and embraced the most beautiful role of my life.. becoming a mother. I embraced it fully but deep down I still had my what ifs," dagdag niya.
Ayon kay Winwyn, hindi niya inakala na muling magbubukas sa katulad niya na isa nang ina ang pintuan ng pageantry.
“Who would’ve thought that this door would open again? For a mother, for a woman at this stage in life.. But when it did, I felt it. I had to take it because I am more than ready. I am whole," ayon kay Winwyn.
Sa pagbabalik niya sa pageant stage, inihayag ng Kapuso star na handa na siyang ipakita kung ano ang tunay na dahilan ng isang “reina."
“Joining this journey is already a WIN for me. But more than that, I’m here to show you what it truly means to be a Reina. To prove that dreams don’t have deadlines, that beauty isn’t just what you see, and that strength comes in many forms," pahayag niya.
Sa pagsabak ni Winwyn sa Miss Universe Philippines 2025, siya ang magiging pambato ng Muntinlupa City.
Napanalunan ni Winwyn ang unang korona ng Pilipinas sa Reina Hispanoamericana noong 2017. Taong 2022, nang isilang niya ang kaniyang unang anak na si Luna.-- FRJ, GMA Integrated News